Malakanyang, walang nakikitang problema sa relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng Biden administration
Umaasa ang Malakanyang na magiging maayos ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng administrasyon ni US President elect Joe Biden na isang Democrats.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ang relasyon ng Pilipinas at Amerika ay pinanday na ng mahabang panahon lalo na sa pagsusulong ng demokrasya at Rule of Law.
Ayon kay Roque, nais lamang palutangin ng mga kritiko ng administrasyon na magkakaroon ng problema ang relasyon ng Pilipinas at Amerika dahil sa pagiging kritikal ng ilang US Democrats senators kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa human rights issue.
Inihayag ni Roque kahit sino ang maging Pangulo ng Amerika mapa Republican o Democrats ay nananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
Iginiit ni Roque na malinaw ang foreign policy ng Duterte Administration na friendly to all enemy to none.
Vic Somintac