Malakas na 7.4-magnitude na lindol sa Taiwan, nag-trigger ng tsunami warnings sa buong rehiyon
Isang malakas na 7.4-magnitude na lindol ang tumama sa silangan ng Taiwan ngayong Miyerkoles ng umaga, sanhi upang magpalabas ng tsunami warnings hindi lamang sa Taiwan kundi maging sa Japan at Pilipinas.
Ang lindol ay tumama pasado alas siete kaninang umaga, at ayon sa United States Geological Survey (USGS) ang sentro nito ay 18 kilometres (11 miles) sa timog ng Hualien City, sa Taiwan na may lalim na 34.8 km.
Naglabas ng babala ang Meteorological Agency ng Japan para sa mga tsunami wave na kasing taas ng tatlong metro (10 talampakan) para sa malalayong isla ng Japan sa rehiyon, kabilang ang isla ng Miyakojima.
Sinuspinde rin ang biyahe ng mga eroplano sa main airport ng Okinawa bilang pag-iingat, ayon sa isang opisyal ng transport ministry.
Sa text message naman ipinadaan ng mga awtoridad sa Taiwan ang pag-iisyu ng tsunami warning at sinabi, “it is to remind people in coastal areas to be vigilant and take strict precautions and pay attention to the dangers caused by sudden surges in waves.”
Ang paunang pagyanig ay naramdaman sa buong Taiwan, kung saan ang mga reporter ng AFP mula sa timog Pingtung county sa hilaga ng Taipei ay nag-ulat ng matinding pagyanig.
Ang mga aftershocks – na kinabibilangan ng 6.5-magnitude na lindol malapit sa Hualien ayon sa weather agency ng Taipei – ay naramdaman din sa Taipei.
Sa kabisera, ang metro rail ay pansamantalang tumigil sa pagtakbo ngunit nagpatuloy din sa loob ng isang oras, habang ang mga residente ay nakatanggap ng mga babala mula sa kanilang local borough chiefs na tingnan kung nagkaroon ng gas leaks.
Map of Taiwan locating the epicentre of a 7.4-magnitude earthquake that struck on Wednesday. (Photo by STAFF / AFP)
Sinabi ng mga opisyal na ang naturang lindol ang pinakamalakas na naramdaman sa isla sa loob ng ilang dekada.
Ayon kay Wu Chien-fu, direktor ng Sismology Center ng Central Weather Administration sa Taipei, “The earthquake is close to land and it’s shallow. It’s felt all over Taiwan and offshore islands. It’s the strongest in 25 years since the (1999) earthquake.”
Noong September 1999, isang 7.6-magnitude na lindol ang tumama sa Taiwan na ikinamatay ng humigit-kumulang 2,400 katao sa pinakamapaminsalang ‘natural na sakuna’ sa kasaysayan ng isla.
Sabi pa ni Wu, “Authorities are not ruling out that ‘there will be earthquakes with magnitude of 6.5 to 7 in three days’ which will be relatively close to the land. The public should pay attention to relevant warnings and messages and be prepared for earthquake evacuation.”
Ang Taiwan ay regular na tinatamaan ng mga lindol dahil ang isla ay nasa malapit sa junction ng dalawang tectonic plates, habang ang kalapit na Japan ay nakararanas naman ng humigit-kumulang 1,500 pagyanig bawat taon.
Sa kanluran ng Taiwan, ang Pilipinas ay nagpalabas din ng isang tsunami warning at nanawagan ng paglikas para sa mga nasa coastal areas.
Sinabi ng state seismological agency doon, “Coastal areas in the northern provinces of Batanes, Cagayan, Illocos Norte and Isabela ‘are expected to experience high tsunami waves’ based on tsunami wave models.”