Malakas na bagyo pinaghahandaan na ng US, daang libo walang suplay ng kuryente

People with umbrellas walk through heavy rain on January 9, 2024 in New York. - A major storm system was battering parts of the United States on Tuesday, spinning off tornadoes in the south as forecasters warned of high winds and blizzards in the north, with hundreds of thousands of people losing power. Heavy rain leading to flash flooding, severe winds gusting in places to more than 50 miles per hour (80 kph), and thunderstorms were predicted from the "western Carolinas to the Mid-Atlantic and Northeast," the National Weather Service said. (Photo by ANGELA WEISS / AFP)

Binabayo ng isang malakas na bagyo ang ilang bahagi ng Estados Unidos, na nagbunsod ng mga tornado sa bahaging timog habang nagbabala naman ang forecasters ng malakas na hangin at blizzards sa hilaga, kung saan daang libong katao na ang walang suplay ng kuryente.

Sinabi ng National Weather Service, na ang malakas na mga pag-ulan na magreresulta sa flash flood, mga bugso ng malalakas na hangin sa ilang lugar na aabot sa higit 50 miles per hour (80 kph), at thunderstorms ay tinatayang mararanasan mula sa western Carolinas hanggang sa Mid-Atlantic at Northeast.

Babala ni New Jersey governor Phil Murphy, “Do not underestimate this one. This storm is unusual, with up to four inches of rain in January and high winds gusting along the shoreline.”

Hinuhulaan naman ang pagtama ng mga buhawi sa timog-silangan, na ang ilan ay nananalasa na sa Florida panhandle, kung saan makikita sa drone images ang mga nagtumbahang puno at nasirang mga gusali na napunit ang mga bubong.

Nagpalabas naman ng isang state of emergency sa buong 49 counties, si Florida Governor Ron DeSantis, isang Republican presidential candidate.

An Embraer E175LR passengers aircraft of American Eagles airlines (C) taxxing before take-off to Pittsburg is seen at La Guardia Airport on January 9, 2024. – A major storm system was battering parts of the United States on Tuesday, spinning off tornadoes in the south as forecasters warned of high winds and blizzards in the north, with hundreds of thousands of people losing power. (Photo by Charly TRIBALLEAU / AFP)

Ayon sa monitoring website na Poweroutage.us, higit sa 380,000 customers ang wala ng suplay ng kuryente sa Estados Unidos nitong Martes ng hapon, na karamihan ay sa bahaging timog-silangan.

Sinabi ng weather service na ang wintry precipitation sa paligid ng weather system ay magdudulot naman ng heavy snow sa ilang bahagi ng upper Midwest at Great Lakes region.

Sa northwest, ang unang blizzard warnings sa loob ng isang dekada ay ipinalabas na para sa Cascade at Olympic mountains.

Ang lagay ng panahon ay nagdulot na ng malubhang epekto sa mga biyahe ng eroplano, kung saan mahigit sa 900 ang nakansela at 5,300 naman ang na-delay sa US nitong Martes, ayon sa ulat ng monitoring website na FlightAware.com.

Ilan sa mga kanselasyon ay dahil sa grounding ng ilang Boeing 737 MAX jets para maisailalim sa inspeksyon, matapos mapunit ang isang panel ng isang Alaska Airlines plane habang nasa kalagitnaan ng biyahe noong isang linggo.

Sinasabi ng mga siyentipiko na habang patuloy na pinapainit ng mga tao ang planeta sa pamamagitan ng pagsunog ng mga fossil fuel, ang mga pattern ng panahon ay magiging mas “unpredictable” o mas mahirap nang mahulaan o mataya.

Ibig sabihin nito ay mas matubig at mas malalakas ang mga bagyo, kasama ng mas mainit, mas tuyong mga panahon na magpapahirap sa ating mga yamang tubig.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *