Malakas na pag-ulan at flash floods nag-iwan ng 33 patay sa Afghanistan
Hindi bababa sa 33 ang namatay sa nakalipas na tatlong araw nang malakas na mga pag-ulan at flash floods sa Afghanistan.
Ayon kay disaster management department spokesman Janan Sayeq, “From Friday onward, because of the rains there were flash floods which caused high human and financial losses. The primary information shows that, unfortunately, in the floods, 33 people were martyred and 27 people got injured.”
Aniya, “Most casualties were from roof collapses while some 600 houses were damaged or destroyed, nearly 600 kilometres (370 miles) of road demolished, and around 2,000 acres of farmland flooded away.”
Nasa 20 sa 34 na lalawigan ng bansa ang tinamaan ng malakas na pag-ulan, na kasunod ng hindi karaniwang ‘dry winter season’ na nagpatuyo sa mga lupain at pumuwersa sa mga magsasaka na ipagpaliban ang pagtatanim.
Mula nang bumalik sa kapangyarihan ang Taliban noong 2021, ang daloy ng tulong mula sa ibang bansa sa naghihirap na Afghanistan ay lubhang nabawasan, at nahadlangan din ang ‘relief responses’ sa mga natural na sakuna.
Hindi bababa sa 25 katao ang namatay sa isang landslide makaraan ang matinding snowfall sa eastern Afghanistan noong Pebrero, habang humigt-kumulang 60 naman ang namatay sa tatlong-linggong pag-ulan na natapos noong Marso.
Nagbabala ang United Nations noong nakaraang taon na ang Afghanistan ay “makararanas ng malalaking pagbabago sa matinding kondisyon ng panahon.”
Sinasabi ng mga siyentipiko na ang matitinding mga pattern ng panahon ay bunsod ng climate change at makaraang pinsalain ng apat na dekadang giyera, ang Afghanistan ay nabibilang na sa mga bansang hindi handang harapin ang mga hindi pangkaraniwang pangyayari.