Malakihang dagdag singil sa kuryente ngayong Hulyo

Asahan na ang malakihang dagdag singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.

Sa advisory ng Meralco, sinabing papalo sa dalawang piso at kinse sentimos kada kilowatt hour ang overall increase sa July 2024 billing.

Katumbas ito ng dagdag na 430 pesos sa kada 200 kilowatt hour.

645 pesos naman ang dagdag sa kumukonsumo ng 300 kilowatt hour, 860 pesos sa 400 kwh at 1,075 pesos sa kumukonsumo ng 500 kwh.

Ang dagdag singil ay dahil umano sa pagsipa ng presyo ng kuryente sa spot market at iba pang power supplies.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *