Malaking isda nahuli sa Eastern Samar
Isang malaking isda ang nahuli sa Oras, Eastern Samar ilang oras makalipas ang malakas na lindol sa Masbate.
Sa panayam ng radyoagila.com sa BFAR Region 8, nabatid na ito ay isang uri ng isda na tinatawag na Opah, ang itinuturing na kauna-unahang warm blooded fish species sa mundo.
“According to our National Stock Assessment Program Coordinator, the said species is Lampris guttatus also known as Opah, the first warm blooded fish species.”
Hindi pa tiyak kung may kaugnayan sa nangyaring lindol ang pagkakahuli sa Opah.
Please follow and like us: