Malamig na temperatura sanhi ng maraming sakit ng mga Filipino- DOH
Kakaiba ang temperaturang nararanasan sa kasalukuyan.
Ayon nga sa pagasa, makararanas ng malamig na klima dahil sa Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Kaya naman, maraming mga kababayan natin ang ngayon ay dumaranas ng iba’t-ibang uri ng sakit na tulad ng trangkaso o flu.
Ang virus nito ay maaaring tumagal hanggang 24 oras kung kaya kailangang ito ay maagapan.
Ugaliing protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng jacket o balabal.
Marami din ang sinisipon kung kaya kailangang umiwas sa mataong lugar dahil ito ay madaling makahawa.
Kabilang din ang sakit sa puso….pag malamig ang panahon, madaling lumapot ang dugo at magpakipot ng ugat sa puso kaya dapat bantayan ang mga kinakain.
Marami rin sa kasalukuyan ang dumaraing ng arthritis…..iba-iba ang uri ng arthritis kaya naman, kapag naranasan ang ilang sintomas tulad ng kirot at paninigas ng litid at kasu-kasuan, kumunsulta agad sa manggagamot.
Ilan lamang ang mga nabanggit na sakit na dapat pagtuunan ng pansin ngayong malamig ang panahon upang hindi lumala ang kundisyon.
Ulat ni Belle Surara