Malawakang bakunahan kontra Covid-19, tuloy pa rin sa Maynila
Tuloy pa rin ang malawakang bakunahan kontra Covid-19 sa Lungsod ng Maynila.
Sa abiso ng Manila LGU, may first dose vaccination sa mga nasa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa 45 health centers ng lungsod mula District 1 hanggang District 6, 6 na district hospitals at 4 na mall sites sa lungsod.
May first dose vaccination rin ng mga menor de edad sa Health Centers sa Parola, Corazon Aquino, at Smokey Mountain, 6 na district hospitals, 4 na mall sites, at 18 community sites.
Meron ding malawakang second dose na pagbabakuna para sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa mga District hospital, malls, at 18 Community sites sa lungsod.
Maging ang second dose vaccination sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na nabakunahan ng Astrazeneca noong October 7, na gagawin naman sa mga health center at drive-thru vaccination area.
Habang may second dose vaccination rin ng mga menor de edad na nabakunahan ng Pfizer noong November 11, 2021 na gagawin sa 4 na mall sites, 6 na district hospital, at sa drive-thru vaccination site.
Para naman sa booster shot para sa A1, A2, at A3 priority groups ito ag gagawin din sa 6 na district hospital, apat na mall sites, at 18 community sites.
Madz Moratillo