Malawakang bakunahan sa Maynila tuloy parin kahit tapos na ang National Vaccination Day
Kahit tapos na ang Bayanihan Bakunahan, tuloy parin ang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ng mas malawakang bakunahan sa lungsod kontra Covid-19.
Sa abiso ng Manila LGU, may 1st at 2nd dose vaccination para sa mga nasa A1 hanggang A5 sa kanilang 45 Health Centers, 6 LGU Hospitals 4 Malls at 12 community sites.
May gagawin ring bakunahan para sa mga menor de edad at booster shot vaccination para sa A1 hanggang A5 sa 6 na LGU hospitals, 4 na mall At 12 community sites.
Ayon sa Manila LGU, bukas ang kanilang vaccination sites residente man o hindi ng lungsod, at pwede rin ang walk in.
Umabot na sa mahigit 1.5 milyon ang partially vaccinated habang mahigit 1.3 milyon naman ang fully vaccinated na.
Habang may 57 libong kabataan na ang fully vaccinated kontra Covid -19 na.
Mahigit 56 libo naman ang nabigyan na ng booster shot.
Madz Moratillo