Malawakang unemployment pinangangambahan kapag ipinagpaliban ang Brgy at SK elections
Namumuo ang massive unemployment sa bansa kapag ipinag-paliban ang halalang pambarangay sa Oktubre at tanggalin ang lahat ng mga kasalukuyang barangay official.
Iyan ang pangamba ni Senador Sherwin Gatchalian sa plano ng Pangulo na muli na namang i-postpone ang Barangay election.
Paliwanag ni Gatchalian, kapag inalis ang mga barangay official, nangangahulugan din ito ng pagka-wala ng trabaho o pinagkaka-kitaan ng mga Barangay Health Workers at mga Barangay tanod sa apatnaput dalawang libong mga Barangay sa bansa
Ayon kay Gatchalian, kung walang Sangguniang Barangay, walang mag-aapropriate ng pondo ng Barangay, dahil ang Sangguniang Barangay lamang ang tanging may kapangyarihan kung paano gugugulin ang barangay funds.
Kung sakaling matupad ang nais ng Pangulo na i-appoint na lamang ang Barangay official sa Oktubre, nangangamba ang Senador na magkakaroon ng puwang o panahon na walang Barangay official ang mga Barangay.
Duda kasi ang Senador na magagawa agad ito ng Pangulo sa mahigit fourty thousand Barangays sa buong bansa, samantalang hanggang sa ngayon aniya ay marami pa ring kulang sa mga appointive post sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan dahil wala pang nailalagay dito ang Pangulo.
Ulat ni: Mean Corvera