Malaysian PM nagpatawag ng snap elections
Binuwag ng prime minister ng Malaysia ang parliyamento nitong Lunes upang ihanda ang daan para sa isang snap election, sa hangaring maibalik ang katatagan ng pulitika habang ang bansa ay bumabangon na mula sa pananalasa ng COVID-19 at mula sa isang multi-bilyong dolyar na corruption scandal.
Sinabi ng mga analyst, na ang halalan ay maaaring mangyari sa loob ng ilang linggo, mas malamang ay sa Nobyembre kasunod ng anunsiyo ni Prime Minister Ismail Sabri Yaakob.
Ang eleksiyon ay hindi pa dapat mangyari hanggang sa Setyembre ng susunod na taon, ngunit si Ismail ay naharap sa matinding pressure mula sa loob ng kaniyang partido na United Malays National Organisation (UMNO), para buwagin na ang parliyamento at makakuha ng isang malakas na mandato sa pamamagitan ng isang maagang halalan.
Sa isang televised address kasunod ng kaniyang pagharap kay Sultan Abdullah ay sinabi ni Ismail, “Yesterday I met the king … and I sought his permission to dissolve the parliament. And the king agreed to my request to dissolve parliament today.”
Ayon sa palasyo, “The king ‘expressed displeasure with the current political developments’ and had no choice but to agree to the prime minister’s request for early polls for the people to vote for a stable government.”
I-aanunsiyo ng election commission ang petsa ng eleksiyon sa loob ng susunod na mga araw.
Ang pagbuwag sa parliyamento ay ginawa ilang araw matapos ihayag ng gobyerno ang isang populist budget na kinapapalooban ng ilang bilyong dolyar na halaga ng cash handouts at pagbawas sa personal income taxes.
Ang Malaysia ay nakararanas na ng pulitikal na kaguluhan mula sa huling pambansang halalan noong 2018, nang malawakang talunin ng isang reformist pact na pinamunuan ng isang dating lider na si Mahathir Mohamad ang isang alyansa na pinamumunuan ng UMNO, ang pangunahing partido na namuno sa bansa sa loob ng mahigit 60 taon.
Ayon sa mga analyst, ang halalan ang inaasahang magbibigay sa susunod na pamahalaan ng mas malakas na kamay upang patakbuhin ang bansa sa loob ng limang taong termino.
Sinabi naman ng isang propesor sa Asian studies ng University of Tasmania na si James Chin, “The significance of this polls is that this is the first general elections since COVID-19, so it’s very much an election to select a government to steer Malaysia back to political stability. People are just sick and tired of the three governments Malaysia had since 2018. And people realise that for the government or for the country to move forward, you need political stability.”
Gayunman, maraming mambabatas ang nagpayo laban sa pagdaraos ng maagang botohan dahil sa pangambang mataon ito sa taunang year-end monsoon season, kung saan ang mga pagbaha ay regular na nagbubunsod ng malawakang paglilikas.
© Agence France-Presse