Mandatory registration ng pre- paid sim cards para sa mobile phones, Hiniling sa Senado
Hiniling ni Senate president Vicente Sotto sa mga kapwa Senador na pagtibayin na ang panukalang batas ukol sa mandatory registration ng pre- paid sim cards para sa mga mobile phone.
Ayon sa Senador , itoý para sa kaligtasan ng publiko at ng bansa mula sa mga krimen at terorismo .
Batay aniya sa reports , nagamit na ang cellular phones na may unregistered sim cards sa pagpapasabog ng mga bomba , kidnapping, nagamit rin ito ng mga rebelde at sa laganap na financial fraud o scam.
Sa datos aniya ng Department of information and communications technology, 129.6 million ang pre-paid mobile phone subscribers sa bansa noong 2018 habang higit 5 milyon lamang ang post- paid subscribers.
Kapag naisabatas , oobligahin ang mga telecommunications company at ang kanilang mga reseller na kunin ang impormasyon ng bibili ng sim cards.
Magkakaroon rin ng sapat na safeguards para maingatan at maprotektahan pa rin ang privacy ng bibili ng mga sim cards.
Meanne Corvera