Mandatory Repatriation ng mga Pinoy sa Iraq, ipinag-utos na ng Pangulo – DFA
Itinaas na ng Embahada ng Pilipinas sa Iraq sa crisis alert level 4 ang seguridad sa nasabing bansa.
Kasunod ito ng pambobomba ng Iran Islamic revolutionary guard corps sa Al-Asad airbase sa Iraq kung saan nagkakampo ang mga sundalong Amerikano.
Sinabi ni Philippine Charge d’ Affaires Jomar Sadie na dahil sa pagtaas ng Alert crisis, inatasan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng opisyal doon na magpatupad ng mandatory repatriation sa lahat ng mga Pinoy na nasa Iraq.
Pinayuhan rin ang lahat ng Pinoy doon na laging bitbitin ang kanilang mga pasaporte at iba pang mga dokumento para sa kanilang exit visa.
Kung wala namang employer at biktima lamang ng Human Trafficking, maaari pa rin aniyang dumulog sa Embahada.
Ang mga Pinoy na hindi naman papayagan ng kanilang mga employers na lumikas ay maaaring tumawag sa Embahada sa mga numerong 078-160-66822.
Ulat ni Meanne Corvera