Manicurist sa Japan nakaisip ng sariling solusyon sa problema sa plastic pollution
Isang manikyurista sa Japan ang nakaisip ng sarili niyang solusyon sa problema sa plastic pollution, sa pamamagitan ng paglalagay sa mga naturang plastik sa kuko ng kaniyang customers.
Sa isang beach na malapit sa kaniyang bahay sa timog ng Tokyo, maingat na hinahawi ni Naomi Arimoto ang mga buhangin sa paghahanap ng maliliit na piraso ng plastik na maaari niyang gawing decorative tips para ilagay sa false nails sa kaniyang salon.
Japanese manicurist Naomi Arimoto collects plastic waste from the sand at a beach in Chigasaki, Kanagawa Prefecture, Japan, October 21, 2024. REUTERS/Manami Yamada
Naisip niya ito pagkatapos lumahok sa isang community cleanups sa kahabaan ng baybayin ng naturang beach.
Ayon sa 42-anyos na si Arimoto, “I became aware of environmental issues the moment I saw with my own eyes just how much plastic waste was in the ocean. I thought it was horrifying.”
Sinabi ng kuwarenta’y dos anyos na manikyurista, na naging aware siya sa environmental issues nang siya mismo ang makakita kung gaano karaming basurang plastik ang nasa karagatan.
Japanese manicurist Naomi Arimoto collects plastic waste from the sand at a beach in Chigasaki, Kanagawa Prefecture, Japan, October 21, 2024. REUTERS/Manami Yamada
Ayon sa international union for conservation of nature, tinatayang nasa dalawampung milyong tonelada ng basurang plastik ang itinatapon sa kapaligiran bawat taon.
Ang isang United Nations summit na gaganapin sa Busan, South Korea, simula sa Nov. 25 ay naglalayong bumuo ng isang “landmark treaty” na magtatakda ng global caps o limitasyon sa produksiyon ng plastik.
Noong Agosto, ay nagbigay ng senyales ang Estados Unidos, isa pinakamalaking plastic makers sa mundo, na susuportahan nito ang isang global treaty, isang pagbabago na tinawag ng environmental watchdog na Greenpeace na isang “watershed moment” sa paglaban kontra plastic pollution.
A false nail with a decorative nail tip using plastic waste which Japanese manicurist Naomi Arimoto collected from the beach, is pictured at her nail salon in Chigasaki, Kanagawa Prefecture, Japan October 21, 2024. REUTERS/Manami Yamada
Si Arimoto ay nagbukas ng isang nail salon sa kaniyang tahanan noong 2018, matapos siyang mapilitang i-give up ang kaniyang career bilang isang social worker dahil sa spinal condition, at mula noong 2021 ay gumagamit na siya ng Umigomi, o “sea trash,” para makagawa ng nail art.
At para makaipon ng raw materials, ay gumagamit siya ng isang custom wheelchair para makapaghanap sa kalapit na beach kada buwan at mag-ipon ng microplastics na hindi nakuha ng ibang cleaners.
Hinuhugasan ni Arimoto ang maliliit na plastik na kaniyang natipon gamit ang malinis na tubig pagkatapos ay iginugrupo niya ito ayon sa kulay.
Japanese manicurist Naomi Arimoto makes a decorative nail tip using plastic waste which she collected from the beach, at her nail salon in Chigasaki, Kanagawa Prefecture, Japan October 21, 2024. REUTERS/Manami Yamada
Pinuputol niya ang mga plastik sa mas maliliit pang piraso at inilalagay ito sa metal ring bago tunawin at hulmahin para maging isang makulay na disc na maaaring ikabit sa artipisyal na kuko. Ang presyo nito ay nagsisimula sa 12,760 yen ($82.52).
Sabi ng 57-anyos na customer na si Kyoko Kurokawa, “I know there are other things made of recycled materials, like toilet paper and other daily necessities, but I had no idea you could have nails too, that was a surprise.”
Kinikilala ni Arimoto na ang kaniyang nail art ay isa lamang maliit na solusyon sa napalakaing problema sa plastic pollution, ngunit kung makatutulong aniya ito para magkaroon ng kamalayan ang publiko tungkol sa problema, ay isa nang hakbang upang magkatulong-tulong ang lahat para sa isang solusyon.
Aniya, “I hope that by putting these in front of people’s eyes, on their fingertips, they’ll enjoy fashion while also becoming more aware of environmental issues.”