Manila city government maglalabas ng P38.4-M na pondo sa advance payment sa AstraZeneca vaccines
Inaprubahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglalabas ng 38.4 milyong piso mula sa pondo ng Lungsod para sa advance payment sa AstraZeneca vaccines na kanilang binili.
Matatandaang nasa 800,000 doses ng COVID-19 vaccines ang binili ng Manila LGU sa Astrazeneca sa pamamagitan ng nilagdaang tripartite agreement kasama ang National Task Force Against Covid 19.
Ayon kay Mayor Isko, ang halagang ito ay katumbas ng 20% ng halaga ng binibili nilang bakuna.
Sa 800,000 doses na ito 400,000 NA residente aniya ang mababakunahan.
Muli namang tiniyak ng alkalde na handa na sila sa pagbabakuna.
Maliban sa pre registration ay nagkaroon rin ng ibat ibang simulation exercise ang Manila LGU bilang paghahanda sa vaccination program.
Isang libo katao ang target nila na mabakunahan kada araw sa oras na simulan na ang programa.
Madz Moratillo