Manila-Clark line ng PNR target mabuksan sa 2020 – DOTr
Isinusulong ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mabuksan na ang Manila-Clark line ng Philippine National Railway pagdating ng 2020 o isang taon na mas maaga kaysa inaasahan.
Ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA , inaasahang matatapos ang buong railway system sa huling quarter pa ng 2021.
Gayunman, hiniling ni Tugade sa mga opisyal ng Japan na tumutulong sa gobyerno sa pagpapagawa ng 255 bilyong pisong halaga ng proyekto, na sana ay matapos ito ng isang taon na mas maaga.
Nais din ni Tugade na mabuksan sa publiko ang isang linya ng tren oras na mabuo na ang pito sa labimpitong (17) istasyon nito.