Manila LGU dumepensa sa paggamit ng NCAP
Naniniwala ang lokal na pamahalaan ng Maynila na naging epektibo ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy sa lungsod.
Ito ang inihayag ni Atty Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna kasunod ng inilabas na Temporary Restraining Order ng Korte Suprema laban sa NCAP.
Ayon kay Abante, mula nang ipatupad ang NCAP noong December 2020, bumaba ng higit kalahati ang traffic violations at aksidente sa mga daan sa Maynila.
Nawala din ang kotongan sa mga NCAP area, bumilis ang daloy ng trapiko, at mas naging ligtas ang mga kalsada, hindi lamang sa mga sasakyan kundi maging sa mga naglalakad at nagbibisikleta.
Tiniyak naman ng Manila LGU na susundin nila ang kautusan ng Korte Suprema.
Madelyn Villar – Moratillo