Manila LGU puspusan na ang pamamahagi ng libreng Gadget para sa mga guro at estudyante sa lungsod
Kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, puspusan na ang pamamahagi ng Manila LGU ng mga tablet at laptops para sa mga estudyante at guro sa lungsod.
Sa ilalim ng new normal dahil sa covid 19 ay blended learning system ang iiral kung saan kabilang ang online class.
Nabatid na nasa 55,788 tablets na ang naipamahagi sa mga benepisyaryong estudyante sa lungsod habang aabot sa 9,000 na mga laptop ang naibigay na sa mga guro.
Target ng Manila LGU at DepEd-Manila na matapos ang distribusyon ng mga gadget bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre.
Maliban sa gadget, may libre din itong internet connection.
Madz Moratillo