Manila RTC Branch 45 pisikal na sarado hanggang sa matapos ang imbestigasyon sa pagpatay kay Judge Maria Teresa Abadilla
Naka-lockdown ang Manila Regional Trial Court Branch 45 kasunod ng pagpatay kay Judge Maria Teresa Abadilla sa opisina nito noong Nobyembre 11.
Sa memorandum ni Executive Judge Virgilio Macaraig, sinabi na mananatiling pisikal na sarado ang Branch 45 hanggang sa matapos ng mga otoridad ang imbestigasyon sa insidente.
Samantala, ang mga kasong nakabinbin sa Branch 45 ay ini-refer sa pairing judge nito na si Branch 46 Presiding Judge Rainelda Estacio- Montesa.
Una nang inatasan ng DOJ ang NBI na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa pangyayari.
Si Judge Abadilla ay sinasabing binaril ng kanyang Clerk of Court na si Amador Rebato Jr. na namatay din.
Bago naging hukom ay mahigit isang dekadang nanilbihan bilang law clerk sa Korte Suprema si Abadilla.
Iniutos na rin ni Chief Justice Diosdado Peralta sa Office of the Court Administrator na magpatupad ng mas mahigpit na seguridad sa mga hukuman kasunod ng insidente.
Moira Encina