Manila Water Novaliches-Balara Aqueduct 4 (NBAQ4), matagumpay na naisagawa
Matagumpay na naisagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS) ang pagtatayo ng Novaliches-Balara Aqueduct 4 (NBAQ4) gamit ang Tunnel Boring Machine (TBM) matapos itong tuluyang tumagos sa La Mesa Reservoir ngayon Agosto.
Ang TBM “Dalisay”, na inilunsad noong January 28, 2020, ay naglatag ng tubong may habang 7.3 kilometro at 3.1-meter diameter sa ilalim ng Commonwealth Avenue.
Saksi ang piling panauhin nang tuluyang tumagos papalabas ang Dalisay cutter head mula sa konkreto ng La Mesa Reservoir. Kasama rin sa pagtitipon na ito ang Nova Bala JV project team na pinapangunahan ni Project Manager Rod Scott.
Dumalo rin sa pamamagitan ng Zoom sina MWSS Board of Trustees Chairman and OIC-Administrator Gen. Reynaldo Velasco (Ret.), MWSS-Deputy Administrator, Engineering and Technical Operations Group Jose Dorado, MWSS Field Operations Management Department Manager Jun Escoto, Manila Water Company Chief Administrative Officer Roberto R. Locsin, Manila Water Corporate Project Management Group Director Robert N. Baffrey, Manila Water East Zone Chief Operating Officer Abelardo Basilio, Manila Water Non-East Zone and International Business Chief Operating Officer Melvin John Tan, at ang Manila Water project team.
Ang NBAQ4, na matatapos sa June 2022, ay makatutulong maghatid ng tuloy-tuloy na water supply sa mahigit 7 million na populasyon sa East Zone area ng MWSS.