Maraming lugar lubog sa baha

Maraming lugar sa bansa ang nalubog sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulang hatid ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina .

Sa bahagi ng Soliven Road, Cupang Antipolo , ay wala nang bumabiyahe dahil sa maraming lugar doon ang nalubog sa baha.

Habang sa bahagi ng McArthur Hi way sa kahabaan ng Fatima Valenzuela city ay nalubog din sa baha.

Hindi narin madaanan ng mga sasakyan ang kahabaan ng MacArthur highway sa Meycauayan city,Bulacan dahil sa malakas at tuloy tuloy na mga pag-ulan.

Nabatid na kaninang alas otso ng umaga itinaas sa Red rainfall warning ng pagasa ang Metro Manila, Rizal, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Habang nasa Orange at Yellow rainfall warning naman ang ilang probinsya sa Central Luzon, at CALABARZON.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *