Marathon session para sa pagtalakay sa pambansang budget sa 2024, Aarangkada na bukas
Aarangkada na bukas ang deliberasyon sa plenaryo ng Senado ang panukalang 5.768 trillion National Budget sa 2024.
Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, ipi-prisinta ni Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Finance Committee ang inaprubahang bersyon sa Committee level ng Senado sa pambansang budget at bukas ang gagawing paghimay sa plenaryo.
Taliwas sa nakagawiang alas – 3 ng hapon, alas- 10 ng umaga ang itinakdang pagsisimula ng budget hearing na gagawin hanggang Biyernes.
Nitong Sabado ay itinurn over ng Kamara ang inaprubahang bersyon ng budget.
Sa bersyon ng Kamara, naglaan ito ng 1.23 billion na Confidential funds pero tinanggalan ng confidential at intel funds ang Office of the Vice President at Department of Education.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kung walang magiging problema, posibleng pagtibayin ang general appropriations bill bago ang kanilang session break sa December 15.
Meanne Corvera