Marawi malaya na sa teroristang Maute-Pangulong Duterte
Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City mula sa mga teroristang Maute.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa muling pagbisita nito sa lungsod kasabay ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas.
Kasunod na rin ito sa pagkakapatay sa lider ng grupong Maute na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon sa main battle area ng lungsod .
Nakatutok pa rin ang mga tropa ng pamahalaan sa pagtugis sa tinaguriang Maute Strugglers na pinaniniwalaang pinamumunuan ng isang Dr. Mahmud Ahmad, isang Malaysian national na nagsilbi umanong tulay upang magkaroon ng alyansa ang Maute sa ISIS.
Kasabay ng nagpapatuloy na operasyon ang pagsagip pa sa dalawampung (20) hostages ng naturang strugglers group.