Marcos Gov’t tiniyak ang balanseng proteksyon sa kalikasan at pagpapatupad ng mining law
Magiging balanse ang Marcos Administration sa pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan at pagpapatupad ng batas hinggil sa responsableng pagmimina.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang Philippine Military Academy (PMA) alumni homecoming sa Baguio City.
Ayon kay PBBM, itutuloy ng kaniyang administrasyon ang mahigpit na pagpapatupad ng batas hinggil sa responsible mining.
Kabilang na aniya rito ang pagtiyak na ang mga mining company ay responsable sa mga lugar na kanilang minimina.
Makakaasa aniya ang publiko na ipapatupad ng gobyerno ang batas para matiyak na ang mga lugar na minina ay maibabalik rin sa dati.
Pagdating naman sa usapin ng ng pagmimina, sinabi ni PBBM na ang mineral exploration at extraction ay mahalagang bahagi ng mga plano para sa ekonomiya ng bansa.