Marcus Smart ng Boston Celtics, napanalunan ang NBA Defensive Player of the Year Award
Pinangalanan ng NBA bilang Defensive Player of the Year (DPOY) para sa 2021-2022 season, si Marcus Smart ng Boston Celtics.
Ito ang unang Defensive Player of the Year Award para kay Smart, na siya ring unang guard na binigyan ng nasabing parangal mula nang ibigay iyon kay Gary Payton sa 1995-96 season.
Si Smart ay nakatanggap ng 257 points – kabilang ang 37 first-place votes – para makuha ang first place sa botohan ng isang panel ng 100 sportswriters at broadcasters. Ang Phoenix Suns forward na si Mikal Bridges naman ay nakakuha ng 202 points at nakatanggap ng 22 first-place votes para makuha ang ikalawang puwesto.
Third place naman ang Utah Jazz star center na si Rudy Gobert na nakakuha ng 136 points at 12 first-place votes.
Nakakuha rin ng first-place votes ang Miami Heat big man na si Bam Adebayo (128 points, 13 first-place votes), Memphis Grizzlies forward na si Jaren Jackson Jr. (99 points, 10 first-place votes), Milwaukee Bucks superstar Giannis Antetokounmpo (58 points, five first-place votes) at Celtics center Robert Williams III (eight points, one first-place vote).
Tinapos ni Smart ang regular season na siya ay nasa rank seven sa liga sa steals per game (1.68) para sa isang Celtics team na nanguna sa NBA sa defensive rating (106.2) at points allowed per game (104.5).
Ang 28-anyos na si Smart ay natapos na ika-lima sa kalipunan ng lahat ng NBA guards na may isang defensive rating na 105.2, at siya ang una sa liga na may 1.1 loose balls recovered per game.
Si Smart ang tanging naging ikalawang Celtics player na nanalo ng DPOY award, kasama ng Basketball Hall of Fame big man na si Kevin Garnett (2007-08).
Dinomina ng malalaking lalaki ang defensive award simula nang magkaroon nito noong 1982. Si Smart at Payton ang tanging two point guards na nanalo nito, at limang ulit naman iyong nakuha ng shooting guards – nguni’t wala nang nakakuhang iba pa simula kay Michael Jordan noong 1988.