Maria Sharapova nagsilang ng lalaki
Inanunsiyo ng five-time Grand Slam champion at dating world number one na si Maria Sharapova, na nagsilang na siya ng isang sanggol na lalaki na pinangalanan niyang Theodore noong July 1.
Ang sanggol ang unang anak ng 35-anyos na Russian tennis star at ng 42-anyos na British businessman na si Alexander Gilkes, na nag-anunsiyo ng kanilang engagement noong December 2020.
Sa kaniyang Instagram post ay nakasaad . . . “The most beautiful, challenging, and rewarding gift our little family could ask for.”
Si Sharapova, na noong Abril ay inihayag na siya ay buntis ay kabilang sa sampung babae na nakakumpleto ng career Grand Slam matapos mapanalunan ang lahat ng apat na major singles crowns kahit isang beses lang.
Noong 2004, ay nakuha ni Sharapova ang kauna-unahan niyang title sa Wimbledon sa edad na 17 na sinundan nang pagkapalo niya sa 2006 US Open, 2008 Australian Open at ang French Open noong 2012 at 2014.
Nakakuha rin siya ng silver medal sa 2012 London Olympics, nang matalo siya sa Amerikanang si Serena Williams sa final.
© Agence France-Presse