Maria Sharapova nangunguna sa nominees para sa Tennis Hall of Fame
Pinakamalaking pangalan ang five-time Grand Slam champion na si Maria Sharapova sa balota, para sa International Tennis Hall of Fame Class ng 2025.
Nakamit ni Sharapova ang career Grand Slam, nang dalawang beses manalo sa French Open (2012, 2014), at tig-isang beses sa Wimbledon (2004), sa U.S. Open (2006) at Australian Open (2008). Nanalo rin siya ng 36 singles titles at siya ang unang babaeng Ruso na umabot sa No. 1 (2005).
Ang 37-anyos na ngayong si Sharapova, ay nagretiro noong 2020 makaraang ang 19-year career.
Nasa balota rin ang American doubles duo nina Mike at Bob Bryan. Ang kambal na magkapatid, na ngayon ay 46-anyos na, ay nag-team para sa 16 titles at nanalo ng 2012 Olympic gold medal sa London.
Sinabi ni Mike Bryan, “There’s no greater honor. It’s the top of the mountain of the sport to be in with the family of legends. It’s a thrill to just be considered for the Hall.”
Ang nangungunang holdover na kandidato ay ang 12-time major doubles champions na si Daniel Nestor, na magiging 52-anyos na ngayong Miyerkules.
Nanalo ang Canadian ng walong Grand Slam doubles crowns at apat na mixed doubles titles, at nanalo rin siya ng Olympic gold sa doubles noong 2021 sa Tokyo.
Ang Hall of Fame class ay i-aanunsiyo sa Oktubre, habang ang induction ceremonies naman ay gaganapin sa Aug. 21-23 ng susunod na taon sa Newport, Rhode Island sa Estados Unidos.