Mariah Carey, Eurythmics, at Pharrell Williams kabilang na sa Songwriters Hall of Fame
Kabilang na ngayon sa Songwriters Hall of Fame ang diva na si Mariah Carey, kasama nina Pharell Williams, Steve Miller, Isley Brothers at iba pa.
Ang edisyong ito kung saan pinarangalan ang mga kompositor na nasa likod ng “most indelible hits” ng pop culture ay inabot ng taon, matapos na maantala ang 51st annual edition na orihinal na nakatakda noong 2020 bunsod na rin ng Covid-19 pandemic.
Hindi rin ito isinagawa sa isang televised event, kundi sa pamamagitan ng isang “festive” dinner at intimate concert.
Subalit kahit hindi naka-televised, ang Manhattan ballroom na pinagdausan ng gala ay kumikislap sa mga bitung nagsidalo, kabilang na si Carey na umakyat sa entablado suot ang isang kumikinang at curve-hugging gown para tanggapin ang parangal.
Si Carey, na ang talento sa pagsulat ng awitin ay matagal nang natabunan ng maganda niyang tinig at “pop star image,” ay tila nagsilbi ring stand-up comedian ng gabi.
Ngunit mas nagningning ang singer/songwriter sa pagpapakita ng kaniyang galak sa mga kapwa niya inductees at mga songwriter na dumalo, kung saan tinawag ang mga ito na “unsung heroes.”
Para sa artist na si Jimmy Jam, na kasama ni Terry Lewis ay marami nang nilikhang hits para kay Janet Jackson, si Carey ay kabilang sa “elite class” ng songwriters na ang mga likha ay maituturing na “timeless.”
Ayon kay Jimmy . . . “There’s nobody that’s more savvy than her, that works harder, that knows all the intricacies of writing and is passionate about it.”
Bilang pagpaparangal sa kaniya, ay pinili ni Carey ang kaniyang “self-taught singing prodigy” na si Liamani Segura para siyang mag-perform, kung saan kabilang sa mga inawit ng 13-anyos ang smash hits ni Carey gaya ng “Fantasy,” at “One Sweet Day.”
Sa mga unang oras ng gabi ng parangal, ay ikinuwento ng inductee na si Miler ang kaniyang space dream sa pamamagitan ng hit song na “Fly Like An Eagle.” Ang kaniyang induction ay pinangunahan ng kaniyang kaibigan at aktor na si Bryan Cranston.
Ayon sa 78 anyos na si Miller . . . “It’s really the highest honor — the most intellectual honor. It means the most to me.”
Ang performance ni Miller ay sinundan naman ng isang “showstopper opening” mula sa St. Vincent na nanguna sa induction ng Eurythmics, ang duo na binubuo ni Annie Lennox at Dave Stewart, matapos ang kanilang delivery ng isang spot-on version ng “Sweet Dreams (Are Made Of This),” na nagtulak kay Lil Nas X na magbigay ng standing ovation.
Si Lil Nas X ay tumanggap din ng isang espesyal na parangal para sa “gifted young songwriters” ng gabi kasama ni Rick Nowels, ang songwriter na nasa likod ng megahits gaya ng ‘Summertime Sadness” ni Lana Del Rey, “Heaven Is a Place On Earth” at “Circle in the Sand” ni Belinda Carlise.
Ang Motown icon na si Smokey Robinson ang nagparangal kay Mickey Stevenson, na ang tagumpay ay kinabibilangan ng classic song na “Dancing In The Street.”
Magkasama naman sina Usher at ang pinarangalang “artist of the moment” na si Jon Baptise sa induction ng The Neptunes – ang duo na binubuo nina Pharell Williams at Chad Hugo – na nagpasayaw sa audience sa pamamagitan ng kanilang hip-swaying medley ng hits na kanilang isinulat at sila rin ang nag-produce, kabilang na ang ‘ You Don’t Have To Call” ni Usher.
Binigyan ng mahabang ode ni Pharell ang songwriting at pinayuhan ang mga nasa kabataang songwriters na sumulong sa pagsasabing . . . “When that sparkle hits you feel it in your bone, you feel it in your body… you feel this sense of direction.”
Ang gala ngayong taon ay nangyari sa panahong ang songwriting at publishing side ng music business na malimit na nababalewala, ay nakararanas ng malaking tagumpay, na ang mga catalog ay nakikitang magiging asset para makahikayat ng investors.
Ang Chairman at CEO naman ng Universal Music Publishing na si Jody Gerson – na sa nakalipas na mga taon ay nakabili ng catalogs kabilang yaong kay Neil Diamond at Sting – ang tumanggap ng publishing honor ng gabi, at pinuri ang songwriters na aniya’y dahilan para maging posible ang kaniyang trabaho.
Pinuri naman ni Paul Williams – ang songwriting legend na nasa likod ng hits gaya ng “Rainy Days and Mondays” ng The Carpenters maging ng Muppet classic na “Rainbow Connection” – ang “songwriting’s ability to connect.”
Sa kaniyang talumpati matapos tanggapin ang pinakamataas na parangal ng gabi, ang lifetime achievement prize para sa songwriters na na dati nang na-induct sa hall of fame ay sinabi ni Paul . . . “People respond to what we create, and that’s the biggest prize of all. We feel a little less alone in this world, while sharing a stack of vulnerabilities and dreams and self-doubt. Endless love songs — I mean I write co-dependent anthems, I’m sorry. I won’t last a day without you’ is not a healthy thought — I’ve done some therapy.”
Sa kabila ng kaniyang pagbibiro, ay binigyang-diin ni Williams ang kahalagahan ng mga kapwa niya lyricists sa pagsasabing . . . “My God, we never needed your songs more than right now.”
© Agence France-Presse