Marine farming, isusulong ni pres’l frontrunner Bongbong Marcos
Isa sa mga isusulong ni presidential candidate Bongbong Marcos ang “mariculture” o marine farming para matulungang makabangon ang mga mangingisda na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.
Ayon kay Marcos, isa ang sektor ng agrikultura sa mga nais nyang matutukan sakaling palarin sa May 9 elections.
Ang mariculture ay ginagawa na aniya sa ibang lugar sa bansa gaya sa Pangasinan, pero may ibang mangingisda ang hindi pa pamilyar rito.
Ito ay ang ang pagsasaka ng isda, shellfish, seaweeds, at iba pang mga organismo sa pamamagitan ng cage farming at sea ranching.
“We are only doing it, I think only in Pangasinan, may mariculture dun, we were producing fingerlings before in Ilocos Norte, dun namin dinadala sa Pangasinan, maganda talaga na possibilities diyan,”pahayag ni Marcos.
Malaki aniya ang potensyal nito lalo na at ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit 7,000 isla.
Mahalaga rin aniya ang tulong ng gobyerno para mapanatili ang pagiging produktibo ng mga mangingisda sa ilalim ng programang ito.
Para naman sa mga magsasaka, isusulong daw ni Marcos ang pagpapababa sa presyo ng fertilizers at pagbibigay ng technical at iba pang tulong para sa kanila.
Madelyn Moratillo