Maritime cooperation ng Pilipinas at Denmark, paiigitingin
Nagpulong sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Danish Foreign Minister Lars Løkke Rasmussen.
Ang pagbisita sa bansa ni Rasmussen ay ang unang pagtungo sa Pilipinas ng isang Danish foreign minister sa loob ng 25 taon.
Ayon kay Manalo, kabilang sa mga tinalakay sa kanilang paghaharap ay ang pagpapalakas sa maritime cooperation at security ng Denmark at Pilipinas at ang mga kaganapan sa South China Sea at iba pang regional issues.
Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo / Photo: Tokyo PH Embassy
Napagkasunduan ng dalawang opisyal ang kahalagahan ng pagsunod ng mga bansa sa rules-based international order gaya ng UNCLOS, para mapanatili ang kapayapaan sa South China Sea.
Ayon kay Manalo, “On the South China Sea, West Philippine Sea issue, I want to thank Denmark supporr for the many messages of support esp in relations to ASEAN. We discussed the possibility of corroborating further on how we can increase greater awareness the importance abiding international law.”
Sinabi naman ni Rasmussen na maraming untapped potential ang dalawang bansa para mapalakas ang ekonomiya ng isa’t isa, at ang posibilidad ng free trade agreement ng Pilipinas at Denmark.
Sinabi ni Rasmussen, “We strongly support the negotiations on free trade agreement between the EU and the Philippines, and we see potential in strengthening our cooperation.”
Moira Encina-Cruz