Martial law sa Mindanao, inaasahan ng mga opposition senator na aalisin na
Umaasa ang mga senador na miyembro ng oposisyon na babawiin na ng pangulo ang deklarasyon ng martial law sa buong Mindanao kasunod ng pagkakapatay ng dalawang lider ng teroristang grupo na sina omar maute at eanilon hapilon.
Ayon kay senador Bam Aquino,maituturing na tagumpay ang pagkapatay kina Maute at Hapilon kaya panahon na para ibuhos ng pamahalaan ang atensyon sa pagbangon at pagpapaunlad ng Marawi city.
Iginiit ni Aquino, ligtas na ngayon ang buong bansa, kasama ang Mindanao sa anumang banta ng terorismo.
Sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na makabubuti rin kung hihintayin ang rekomendasyon ng department of national defense.
Pero giit ni Senador JV Ejercito na mahalaga pa rin ang presensya ng militar lalo na sa Marawi city para matutukan ang seguridad lalo na sa rehabilitasyon.
Ulat ni Meanne Corvera