Marvel actor na si Jeremy Renner, kritikal pero stable na ang kondisyon makaraan ang kinasangkutang aksidente
“I was messed up,” ito ang sinabi ng Marvel superhero actor na si Jeremy Renner matapos siyang masagasaan ng sarili niyang snow plow, habang sinusubukan niyang umakyat sa driver’s seat ng higanteng 14,000-lb o anim na toneladang sasakyan.
Si Renner ay nagtamo ng matinding pinsala noong Linggo ng umaga malapit sa kanyang tahanan sa Nevada, habang tinatangka nitong ihinto ang PistenBully machine na nagsimulang umandar pagkatapos niyang gamitin para tulungan ang isang miyembro ng kaniyang pamilya, na maialis ang sasaknyan nito mula sa makapal na niyebe.
Sinabi ni Washoe County Sheriff Darin Balaam, “In an effort to stop the rolling PistenBully, Mr. Renner attempts to get back into the driver’s seat. Based on our investigation, it’s at this point that Mr. Renner is run over by that PistenBully.”
Si Renner na inilipad ng isang helicopter patungo sa kalapit na Reno, ay nagpost ng selfie noong Martes mula sa kaniyang hospital bed, na ipinapakita ang matitindi niyang pasa sa mukha.
Sinabi ni Renner sa kaniyang Instagram, “Thank you all for your kind words. I’m too messed up now to type. But I send love to you all.”
Ayon naman sa publicist ni Renner na si Sam Mast, “Renner had undergone surgery and ‘was making positive progress and is awake,’ talking and in good spirits. He remains in ICU in critical but stable condition. He is overwhelmed by the showing of love and support. The family asks for your continued thoughts while he heals with his close loved ones.”
Sinabi ng mga opisyal sa isang press conference noong Martes, na walang indikasyon na sangkot ang droga o inuming nakalalasing sa insidente, na itinuturing bilang isang “tragic accident.”
Sinabi ni Sheriff Balaam, na nagpapatuloy ang imbestigasyon dahil sa “matinding pinsalang” tinamo ni Renner, kabilang na ang pagsisiyasat kung nagkaroon ng mechanical failure.
Ang PistenBully, o snowcat, na ino-operate ni Renner ay isang malaki at specialized snow plowing vehicle, na mayroong higante at naka-angat na caterpillar tracks sa magkabilang gilid ng isang enclosed cab.
Ayon pa kay Balaam, nahirapan ang emergency responders na makarating sa kinaroroonan ni Renner dahil sa tatlong talampakan o isang metrong kapal ng niyebe na bumagsak ng nagdaang gabi, at naging sanhi rin upang mapilitan ang ilang driver na iwan ang kanilang mga sasakyan sa kalapit na highway.
Aniya, “When we arrive, we treated Renner and ‘some good neighbors’ of him came out with some towels and rendered some aid.”
Pinuri ng sheriff si Renner bilang isang “mabuting kapitbahay” dahil ginagamit nito ang kaniyang snow plowing machine para alisin ang makapal na niyebe sa mga pribadong kalsada para sa mga kalapit na residente.
Dagdag pa ni Balaam, hawak ni Renner ang honorary title ng deputy sheriff at sikat siya sa mga bata sa kanilang lugar, na tinatawag siyang “Hawkeye” sunod sa superhero na kaniyang ginampanan sa ilang Marvel films at isang miniseries kamakailan.
Ang 51-anyos na si Renner ay na-nominate ng dalawang Oscars para sa kaniyang papel sa “The Hurt Locker” at “The Town.”
© Agence France-Presse