Marvel co-star na si John Krasinski, hindi pa kilalang personal ni Elizabeth Olsen
Ibinunyag ng aktres na si Elizabeth Olsen, na hindi pa niya kilalang personal ang Marvel co-star niyang si John Krasinski, sa kabila ng paglabas na magkasama sa parehong eksena sa pelikula.
Si Elizabeth ay sumailalim sa lie detector test ng Vanity Fair, at sa pagsagot sa isa sa mga tanong, ibinahagi niya na hindi pa niya nakilala nang personal si John.
Si John ay gumanap sa papel ni Reed Richards/Mr. Fantastic sa pinakabagong Marvel film na “Doctor Strange in the Multiverse of Madness,” habang si Elizabeth ay bida sa pelikula bilang si Wanda Maximoff.
Nang tanungin ng interviewer si Elizabeth tungkol kay John sabay pakita sa kaniya ng larawan ng aktor, ay sinabi niya na hindi niya ito kilala.
Nasorpresa ang interviewer sa sagot ni Elizabeth at sinabing magkasama sila ng aktor sa iisang pelikula.
Ngunit inulit niya na hindi pa niya na-meet si John, habang nakatingin sa lalaking nagbabasa sa lie detector na tila hinihingi ang assurance nito.
Ayon sa lalaking tagabasa sa lie detector, totoo ang sinasabi ng aktres.
Noon pa man ay kilala na ang Marvel sa pagpapanatiling pribado ng kanilang mga plot, kahit hanggang sa pagbibigay sa kanilang mga aktor ng mga pekeng eksena, o hindi pagsasabi sa kanila ng mahahalagang aspeto ng storyline.