Marvel superheroes, balik na sa Chinese cinemas makalipas ang halos apat na taon
Nagsimula nang bumalik sa massive movie market ng China ang Marvel superheroes, makaraan ang malinaw na ban ng halos apat na taon, kung saan ang fans ay sumugod sa mga sinehan para manood ng “Black Panther: Wakanda Forever.”
Ang lubhang popular na franchises ng Disney-owned studio, ay hindi napanood sa mga sinehan sa China simula pa noong 2019, nang walang malinaw na dahilan.
Ang mga blockbuster ng Marvel ay kumita ng bilyun-bilyon sa buong mundo, at ang kanilang pagbabalik sa isa sa pinakamalaking merkado ng pelikula sa mundo ay nangangahulugan ng daan-daang milyong dolyar sa mga potensyal na kita para sa Disney – ang unang Black Panther movie pa lamang ay kumita na ng $105 milyon sa mga sinehan sa China.
Kuwento ng isang babaeng nagngangalang Chen habang nakapila sa isang sinehan sa Shanghai para sa midnight premiere ng “Wakanda Forever.” “I’m super excited. I’ve had to use streaming sites to watch the last couple of movies… But I hope this means I’ll watch Marvel movies more often in theatres now.”
Ang pagtatapos sa malinaw na ban sa Marvel films ay nakasabayan ng pagluluwag ng China sa kanilang mahigpt na zero-Covid policies, na ilang taong nagpahinto sa entertainment industry.
Niluwagan na rin kamakailan ng communist rulers ng China, ang isang tech crackdown kabilang na ang gaming sector na malaki ang kinikita.
Sinabi naman ng 25-anyos na hospital worker na si Kun na nagtungo sa Shanghai para panoorin ang “Wakanda Forever” kasama ng kaniyang mga kaibigan, “Because of Covid, it’s already been a long time since we’ve been to the cinema. We still have to work tomorrow but it’s a rare opportunity so we came here.”
Sunod namang ipalalabas para sa Chinese Marvel fans ang “Ant-Man and the Wasp: Quantumania,” na nakatakdang i-release sa February 17.
Ang “Spider-Man: Far from Home” ang huling Marvel film na naipalabas sa China noong July 2019.
Ang China Film Administration, na miyembro ng propaganda department ng Communist Party, ay hindi nagbigay ng dahilan para sa hindi pagpapalabas ng mga pelikula ng Marvel sa mga sinehan.
© Agence France-Presse