Mas mahigpit na quarantine protocol, ipinatutupad sa Roxas, Isabela dahil sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng Covid-19
Pinalawig pa hanggang Setyembre 15 ang ipinatutupad na lockdown sa bayan ng Roxas kasunod ng mga naitatalang mataas na bilang ng mga kaso ng Covid-19.
Batay sa Ordinance No. 21-041 o sa ilalim ng Stringent General Community Quarantine, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaraos ng lahat ng uri ng mass gathering o malakihang pagtitipon at face to face gathering.
Batay sa pinakahuling datos ng Rural Health Unit ng Roxas, nakapagtala sila ng 62 active cases ng Covid-19, 101 suspected cases at 27 na mga namatay.
Nakapagtala rin ang Roxas ng isang kaso ng Delta variant ngunit nakarekober na ito sa karamdaman.
Ulat ni Schievvie Abanilla, Roxas, Isabela Correspondent