Mas malakas na batas laban sa terorismo kasama sa irerekomenda ng Pangulo sa Kongreso sa kaniyang SONA
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na paamyendahan sa Kongreso at palakasin ang ngipin ng batas sa Anti-Terror dahil sa tumitinding banta ng terorismo sa Pilipinas.
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto, kasama ito sa tinalakay ng Pangulo sa mga mga kaalyadong Senador at Kongresista.
Sinabi ni Sotto na kasama rin ito sa agenda na tatalakayin ng Pangulo sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address sa Lunes.
Iginiit aniya ng Pangulo na kahit ang Republic Act 9372 Human Security Act, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang may pinaka maluwag sa National Security dahilan kaya nakapasok ang mga teroristang kasabwat ng mga Maute group.
Nauna nang sinabi ni Sotto na nakakabahala ang hawak na intelligence report ng Pangulo dahil anumang parte ng Pilipinas ay maaring maging target ng mga terorista kabilang na ang Metro Manila.
Ulat ni : Mean Corvera