Mas maraming pinoy ang nagugutom at walang makain – SWS Survey
Tumaas sa 12.6% ang mga pamilya na nakaranas ng Involuntary Hunger o mga nagugutom pero walang makain sa nakalipas na tatlong buwan
Batay sa survey ng Social Weather Station o SWS, ang 12.6% hunger rate ang kabuuan ng 11.2% na nakaranas ng moderate hunger at 1.4% na nakaranas ng severe hunger.
Kumpara sa datos noong Setyembre, ang Incidence of hunger ay tumaas sa 5.3 points sa Mindanao, 4 points sa balance Luzon, 2.6 points sa Visayas, at 4.6 points sa Metro Manila.
Isinagawa ang survey noong December 8 hanggang 11 sa pamamagitan ng face-to- face interview sa 1,200 respondents.
Please follow and like us: