Masinloc LGU, nagsagawa ng public hearing ukol sa pagsasaayos ng water system sa kanilang bayan
Nagsagawa ng public hearing ang lokal na pamahalaan ng Masinloc, kaugnay ng pagsasa-ayos sa water system doon.
Pinangunahan ito ng kasalukuyang alkalde na si Mayor Senyang Jalata Lim at Vice Mayor Dady Enciso.
Kabilang sa mga dumalo sa hearing ang mga konsehal ng bayan, mga kapitan ng barangay, at ilang department heads ng LGU Masinloc at iba’t ibang concessioners ng mga water system sa Masinloc.
Sa kaniyang presentasyon, ay sinabi ni Ginoong Marcos Aranas na tiniyak ng lokal na pamahalaan na sa gagawin nilang pamamahala sa Masinloc water system, ay mababawasan na ang mga bayarin ng kanilang mga kababayan dahil ang singil sa tubig ay magiging P13.50 na lamang per cubic meter.
Patuloy din aniyang isasaayos ang proyektong ito upang mabilis na makapag supply ng malinis, mura at alkaline water sa kanilang mga kababayang masinloqueños, batay na rin sa itinadhanang schedule ng alkalde ng Masinloc.
Ulat ni Jocelyn Montano