Mass testing centers sa Parañaque City binuksan na… Karagdagang mga isolation facilities inihahanda na rin
Inanunsyo ng Paranaque city government na mas maraming health worker ang kanilang kailangan para maisagawa ang kanilang mass testing na sinimulan ngayong araw .
Prayoridad ng isasagawang mass testing ang 200 naitalang suspected cases gayundin din ang mga senior citizen, pregnant women at mga high risk sa sakit.
Magbubukas ng mas maraming isolation facilities ang lunsod upang maging handa sa posibleng madadagdag sa mga kaso ng confirmed covid -19 cases.
Ayon kay City Health Chief Dr. Olga Virtusio, maglalaan sila ng bukod na testing area para sa general population at suspected cases.
Samantala, bukod sa Ospital ng Parañaque, inihahanda na rin ang mga karagdagang isolation facilities ng lunsod na kinabibilangan ng apat na public schools ..ang San Antonio High school, Dr. Arcadio Santos National high school sa San Martin de Porres, Parañaque City college sa San Dionisio at Parañaque National High school (main).
May kabuuang 88 patient capacity ang mga pasilidad na magiging karagdagan sa 10 bed evaluation at holding tent ng Ospital ng Parañaque .
Ulat ni Ken Mesina