Massacre sa Sagay city, Negros Occidental, kagagawan ng CPP-NPA – Malakanyang
Itinuturo ng Malakanyang na ang Communist Party of the Philippines New Peoples Army o CPP-NPA ang nasa likod sa pagpatay o pagmasaker sa siyam na mangggagawa sa hacienda sa Sagay City, Negros Occidental.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo base sa report na nakarating sa Malakanyang ang Communist Party of the Philippines New Peoples Army o CPP NPA ang may kagagawan sa pagpatay sa mga biktima.
Sinabi ni Panelo na dahil sa naturang insidente maaring maapektuhan ang alok ng gobyerno na localized na usaping pangkapayapaan sa komunistang grupo.
Inihayag ni Panelo dapat nang baguhin ang taktika ng komunistang grupo at subukang magbalik loob na sa pamahalaan sa halip na ipagpatuloy ang armadong pakikibaka.
Binigyang – diin ni Panelo limampung taon ng nakikipaglaban ang komunistang grupo sa pamahalaan subalit hanggang ngayon hindi pa rin nagwawagi ang kanilang adhikain na agawin ang gobyerno.
Nakatakda namang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng masaker.
Lumalabas sa imbestigasyon ay mga grupo ng CPP-NPA sapagka’t iyong mga biktima at saka iyong mga nandoon, nakilala nila iyong mga ibang naroroon iyong gumawa ng pag-massacre.
Pangalawa, tila sila ay mayroong threat doon sa grupong iyon.
Ulat ni Vic Somintac