Masterpiece ni Nolan na ‘Oppenheimer’ wagi ng best picture sa Oscar
Ayon sa direktor ng pelikula, ito ay kuwento ng pinakamahalagang taong nabuhay.
At nitong Linggo, kinumpleto ng “Oppenheimer” ang matatag nitong ‘martsa’ patungo sa pinakamahalagang award ng Hollywood, nang manalo ito ng Academy Award para sa best picture.
Ang obra maestra ni Christopher Nolan, na kuwento ng napakatalinong physicist na nangasiwa sa pag-imbento ng atomic bomb, na nagpabago sa mundo, ay isang ‘grand, old-fashioned’ blockbuster para sa mga matatanda.
Nakumpleto sa budget na $100 million, ang cast ng “Oppenheimer” ay binuo mula sa nangungunang A-list ng Tinseltown.
Inilabas noong July, ang “Oppenheimer” ay agad na umani ng magagandang reviews at bumasag ng ‘box office expectations.’
Kumita ito ng halos $1 billion sa buong mundo, at nanalo ng kabuuang pitong Academy Awards sa gala nitong Linggo.
Si Nolan na direktor sa likod ng maambisyosong blockbusters mula sa “Inception” hanggang sa “The Dark Knight,” ay katatapos pa lamang gawin ang “Tenet” nang mabasa niya ang “American Prometheus,” ang 2005 Pulitzer Prize-winning biography ni J. Robert Oppenheimer.
Agad siyang na-inspire na bigyan ng buhay ang ‘ambitious genius at hubristic tragedy’ ng “pangarap at bangungot” sa pinakamalaking screen.
Si Oppenheimer, na nakamit ang pandaigdigang katanyagan bilang “father of the bomb,” ay lubos na ikinalungkot kalaunan ang kinahinatnan ng kaniyang imbensiyon, nangampanya para sa nuclear disarmament at unti-unting nasira ang reputasyon dahil sa dati niyang simpatiya sa Komunista.
Sinabi ni Nolan, “His story offers no easy answers. But it offers some of the most fascinating and interesting paradoxes that I’ve ever encountered.”
Bagama’t sa maraming beses, si Nolan ay iniuugnay sa genres gaya ng sci-fi, nagpasya siyang buuin ang “Oppenheimer” base sa tatlong iba pang film tropes — hero’s journey, heist movie at courtroom drama.
Sinimulan ng scientist ang pakikipagsapalaran na makipagsabayan sa mga Nazi sa bomba, bumuo ng isang crack team ng mga eksperto para magawa ang trabaho, at napilitang ipagtanggol ang kanyang kaso sa korte, na ang aksyon ay patuloy na umiikot sa pagitan ng tatlo.
Si Cillian Murphy, na isang malimit at mapagkakatiwalaang collaborator mula sa limang naunang mga pelikula ni Nolan, ang bida sa pelikula, kasama si Robert Downey, Jr., sa papel ng mahigpit niyang karibal na si Lewis Strauss.
Ang dalawa ay nanalo ng best actor at best supporting actor nitong Linggo.
Kabilang din sa cast sina Matt Damon, Emily Blunt, Florence Pugh, Kenneth Branagh, Gary Oldman at Rami Malek.
Sinabi ng aktor na si Matthew Modine, “This was like ‘Battle of the Bulge’ or ‘Ben-Hur,’ one of those movies where you just look around and every single person in the movie is somebody that you admire.”
Walang alinlangan na ang pelikula ay nakinabang sa komersyo mula sa viral na “Barbenheimer” phenomenon, kung saan libu-libo ang dumagsa sa mga sinehan para sa double bill kabilang ang kakaibang “Barbie.”
Nagkataon kasi na ang dalawang pelikula mula sa magkaribal na studio ay ipinalabas sa magkaparehong petsa, kung saan kapwa hindi natinag ang magkabilang panig na baguhin ito.
Ayon sa producer na si Charles Roven, “I’m glad neither of us did. It worked out pretty well.”
Gayunpaman, kakaunti ang maaaring nakahula sa naging kahanga-hangang popularidad ng isang mahabang pelikulang ang ilang bahagi ay kinunan sa black-and-white, at tungkol sa isang mabigat na paksa, na higit na nakabalangkas sa mga kumplikadong agham at lubhang teknikal na government hearings.
Sinabi pa ni Roven, “If you’re sitting around wondering what the box office is going to be on a three-hour movie about a guy named Oppenheimer who invented the atom bomb, you’re not sitting there and saying, ‘It’s going to do almost a billion dollars.’ So the fact that it did — and the critical acclaim — is just so rewarding.”
Ang “Oppenheimer” ang unang pelikulang ginawa ni Nolan sa loob ng dalawang dekada na hindi release ng Warner Bros.
Nagalit ang direktor sa kaniyang ‘usual studio’ dahil sa desisyon nito na ipalabas muna ang mga pelikula sa streaming noong panahon ng Covid-19 pandemic.
Ang “Oppenheimer” ay nagambala rin ng mga welga sa Hollywood noong nakaraang taon. Nag-walk out ang cast nito sa London premiere bilang pakikiisa sa mga kapwa artista.
Simula noon, ay naging maganda na ang takbo nito, dahil nakuha ng pelikula ang pinakamalalaking premyo sa bawat awards season, mula sa Golden Globes hanggang sa Screen Actors Guild Awards.
Ang best picture Oscar ay ang huli at pinakamahalagang reward ng pelikula.