Masungi Georeserve Project, kinilala sa 2022 UN SDG Action Awards sa Germany– DFA
Ginawaran ang Masungi Georeserve Project ng Inspire Award sa 2022 United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG) Action Awards na ginanap sa Bonn, Germany.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang UN SDG Action Awards ceremony ay signature program ng UN SDG Action Campaign.
Para ngayong taon, ang UN SDG Action Awards ay nakatanggap ng 3,000 aplikasyon mula sa 150 bansa.
Mula sa mga ito ay pinili ng panel of judges
ang ilan sa “most impactful” SDG initiatives ngayong taon.
Kinilala ng Action Awards ang hakbangin ng Masungi Georeserve Project sa pag-transform ng watersheds para labanan ang deforestation sa pamamagitan ng geotourism.
Pinasalamatan naman ni Masungi trustee Billie Dumaliang ang UN at ang UN SDG Action Campaign para sa parangal sa trabaho ng Masungi rangers at team at sa kanilang mga katuwang sa proyekto.
Moira Encina