Matapos manalo sa Emmys, Elton John EGOT awardee na rin
Kabilang na ngayon ang legendary entertainer na si Elton John sa iilang piling winners ng awards grand slam, ang tinatawag na EGOT, nang maragdag sa kaniyang career prizes ang isang Emmy award.
Ang British singer-songwriter ang ika-19 na nanalo ng isang Emmy, Grammy, Oscar at Tony, nang ang kaniyang “Elton John Live: Farewell From Dodger Stadium” ay magwagi ng Outstanding Variety Special (Live) sa ginanap na Emmys sa Los Angeles.
Hindi naman nakadalo sa seremonya ang 76-anyos dahil nagpapagaling pa mula sa kaniyang knee operation, kaya’t ang tumanggap nito ay ang producer na si Ben Winston.
Sinabi ni Winston, “We did know this was going to be historic because it was going to be Elton’s last ever show in North America.”
Dagdag pa niya, “We didn’t know it was going to be historic because it was going to win a man who has created the soundtrack to all of our lives, who has done so much great for society, who is all of our heroes — we didn’t know that it was going to win him an EGOT.”
Ben Winston accepted the Outstanding Variety Special (Live) award for ‘Elton John Live: Farewell from Dodger Stadium’ / AFP
Ang concert sa Dodger Stadium na nasa gitna ng Los Angeles, ang huli sa North American leg ng farewell tour ni John, isang multi-year venture na ayon sa Billboard magazine ay kumita ng halos bilyong dolyar.
Si Elton ay mayroong dalawang Oscars para sa best original song, ito ay ang “Can You Feel the Love Tonight?” mula sa pelikulang from “The Lion King” and “I’m Gonna Love Me Again” from “Rocketman.”
Mayroon na siyang isang Tony Award para sa kaniyang original score sa “Aida,” at limang Grammys, kabilang ang para sa “Candle in the Wind” noong 1998.
Mayroon lamang 18 iba pa na kabilang sa EGOT awardeed, ito sina Rita Moreno, John Gielgud, Audrey Hepburn, Mel Brooks, Whoopi Goldberg, John Legend, Tim Rice, Andrew Lloyd Webber at Viola Davis.