Matataas na opisyal ng gobyerno , exempted na sa election gun ban

Exempted na sa election gun ban ang mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, inaprubahan na ng commission en banc ang pag-amyenda sa resolusyon para sa recalibration ng rules and regulations ng gun ban.

Sa ilalim nito, exempted na sa election gun ban ang Bise Presidente ng bansa , Senate President at mga Senador, House Speaker at mga Kongresista, Chief Justice at mga mahistrado ng Supreme Court at kanilang 2 security details.

Exempted rin maging ang mga mahistrado ng Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals at mga hukom.

Maging cabinet secretaries, undersecretaries, assistant secretaries, Ombudsman at kanilang 2 security details.

Exempted na rin sa gun ban ang mga Prosecutor, ahente ng National Bureau of Investigation, at Election Officers.

Apat na commissioner ng Comelec ang sumang ayon sa nasabing amendment sa gun ban, ito sina Chairman Pangarungan, Rey Bulay, George Garcia at Aimee Neri.

Habang may reserbasyon naman sina Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo at Aimee Ferolino.

Isusulong rin daw ng Comelec na mabigyan rin ng gun ban exemption ang mga party list representative at lokal na kandidato na karapat dapat namang ma-exempt.

Madelyn Villar -Moratillo

Please follow and like us: