Matatag na health system capacity ng bansa pinahahanda ng Malakanyang sa DOH dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19
Pinatitiyak ng Malakanyang sa Department of Health o DOH na dapat handa ang health system capacity ng bansa kaugnay ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Sabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na kailangang kayang tugunan ng mga pagamutan ang sitwasyon sakaling tumaas ang kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant.
Ayon kay Nograles may inisyu na ding direktiba ang Inter Agency Task Force o IATF sa Sub-Technical Working Group on data analytics ng DOH na maghanda ng model response para makita ang impact ng Omicron variant ng COVID-19.
Inihayag ni Nograles na inatasan na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga Local Government Units o LGUS na matiyak ang mahigpit na implementasyon ng Prevent, Detect, Isolate, Test, Reintegrate Strategy ganun din ang pagsunod sa minimum health standard protocol.
Vic Somintac