Matinding epekto ng La Niña mararamdaman sa Oktubre hanggang Disyembre
Sa huling tatlong buwan ng taon ay posibleng maranasan ang matinding mga pag-ulan.
Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa epekto ng La Niña Phenomenon.
Sinabi naman ni Ana Liza Solis, hepe ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction section, mula Oktubre hanggang Disyembre makikita at mararamdaman ang posibleng impact ng La Niña kung saan above normal na kondisyon na mga pag-ulan ang iiral sa malaking bahagi ng bansa.
Inaasahan aniyang mararamdaman ang matinding epekto ng La Niña sa unang quarter ng 2025.
Please follow and like us: