Matinding heat wave nararanasan sa kanluran at timugang bahagi ng US
Nasa ilalim ng heat warnings o advisories ang mga lugar sa Estados Unidos na tahanan ng mahigit sa 80 milyong katao, habang patuloy na nararanasan ang “record-breaking” na temperatura sa mga estado sa kanluran at timog.
Nagbabala ang National Weather Service (NWS) tungkol sa “isang malawak at matinding heat wave” sa mga bahagi ng Southwest, western Gulf Coast at southern Florida, na may mainit na temperaturang tatagal hanggang sa mga darating na linggo, na nagpapataas ng mga panganib sa kalusugan para sa milyun-milyong katao.
Sinabi ng NWS, na ang mga taga southern California na nakaranas ng 105-110 degrees Fahrenheit (41-43 Celsius) noong Sabado, ay nahaharap sa ikalawang araw ng kaparehong brutal na temperatura, na ang mercury ay inaasahang tataas sa 115F (46C) sa mga bahagi ng California, Nevada at Arizona.
Pagsapit ng Sabado ng hapon, ang sikat na Death Valley ng California, na isa sa mga pinakamainit na lugar sa Mundo, ay umabot sa temperaturang 124F (51C).
Kinabukasan, ang early afternoon temperature ay naglaro sa humigit-kumulang 118F (47.7C), sa gitna ng mga pagtaya na maaari itong umabot ng hanggang 128F (53C).
Police officers tend to a dead homeless person whose body temperature was 102 degrees Fahrenheit (about 39 Celsius) at the time of discovery and who is believed to have died due to complications from extreme heat, in Tucson, Arizona, on July 15 / © AFP
Noong isang araw, ang bayan ng Idyllwild, sa silangan ng Los Angeles at humigit-kumulang 5,400 talampakan (1,645 metro) above sea level, ay lumampas sa dati nitong rekord makaraang umabot sa 100F.
Ang Imperial, California sa silangan ng San Diego ay nagtala ng kapareho ng pang-araw-araw nitong record nito na 116F. Ang pinakamataas nitong Linggo ay tinaya sa 114F.
Sinabi ng NWS na ang init ang nangungunang sanhi ng pagkamatay na may kaugnayan sa panahon sa Estados Unidos, kaya hinimok nito ang mga Amerikano na seryosohin ang panganib.
Sa Sunday bulletin ng NWS ay nakasaad, “In total, from South Florida and the Gulf Coast to the Southwest, over 80 million people remain under either an Excessive Heat Warning or Heat Advisory as of early this morning.”
Ilang araw nang nag-aalarma ang mga awtoridad, at pinapayuhan ang mga tao na iwasan ang mga aktibidad sa labas sa umaga at iwasang sila ay ma-dehydrate na maaaring mabilis na makamatay dahil sa mataas na temperatura.
Sa Arizona, kabisera ng estado ng Phoenix ay nakapagtala ng 16 na sunod na araw na ang temperatura ay lampas 109F, habang umabot naman ito sa 118F noong Sabado ng hapon at nanatili ng lampas sa 90F (32C) sa magdamag. Muling umakyat ang mercury noong Linggo ng hapon sa 109F, at inaasahang tataas pa sa 114F.
Ayon sa NWS, ang siyudad na tahanan ng higit sa 1.6 na milyong katao, ay nasa ilalim ng Excessive Heat Warning hanggang sa Miyerkoles ng gabi.
A man shields himself from the sun while waiting in line to take a photo at the historic ‘Welcome to Las Vegas’ sign during a heat wave on July 14, 2023 / © AFP/File
Sa Miami, ang NWS noong Linggo ay naglabas ng kauna-unahang Exessive Heat Warning para sa rehiyon, na may bisa hanggang alas -7:00 ng gabi, habang naghahalo naman ang init at halumigmig upang lumikha ng isang “feels-like” temperature na inaasahang aabot sa 112F.
Ang mga residente ng metropolis ay hiniling na magtipid ng kuryente mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi mula Sabado hanggang Lunes, sa pagtatangkang bawasan ang mataas na demand.
Ang heat waves ay nangyayari ngayon nang mas madalas at mas matindi sa mga pangunahing lungsod sa US, ayon sa federal Environmental Protection Agency, na ang dalas ay anim bawat taon noong 2010s at 2020s kumpara sa dalawa bawat taon noong 1960s.
Sa tweet ng NWS Las Vegas office ay nakasaad, “This heat wave is NOT typical desert heat. ‘Its long duration, extreme daytime temperatures, & warm nights’ were unusual.”
Sa Canada, na dumaranas ng maiinit na temperatura kasama ng mga buwan na may mas mababa sa average na pag-ulan, ang dami ng lupang tinupok ng mapangwasak na wildfire ngayong 2023, ay umakyat na sa pinakamataas na 24.7 milyong ektarya (10 milyong ektarya) noong Sabado.
Beachgoers sunbathe during during an intense heat wave in Miami Beach on July 16, 2023 / © AFP
Sinabi ni Yan Boulanger, isang researcher sa natural resources ministry ng Canada, “We find ourselves this year with figures that are worse than our most pessimistic scenarios,”
Bagama’t mahirap i-ugnay ang isang partikular na kaganapan sa panahon sa pagbabago ng klima, iginigiit ng mga siyentipiko na ang human-linked global warming ay responsable para sa pagdami at pagtindi ng mga heat wave.
Sinalanta rin ng pagbaha ang ilang bahagi ng hilagang-silangan ng US nitong mga nakaraang linggo.
Nitong Linggo, ang mga opisyal sa Bucks County sa silangan ng Pennsylvania ay nag-ulat ng apat na kataong namatay at nawawalang tatlong iba pa, isang araw makaraang magbagsak ng hanggang pitong pulgada (18 sentimetro) ng ulan ang isang bagyo, na nagdulot ng flash flood na tumangay sa mga sasakyan.