Maute-Isis leader Isnilon Hapilon, pinaniniwalaang nasa Marawi City pa rin-AFP

Hindi maituturing na tagumpay ang misyon ng pamahalaan sa Marawi City kung hindi nila nadarakip ang itinuturing na lider ng Maute-Isis group sa Timog-Silangang Asya na si Isnilon Hapilon.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, naniniwala silang nasa Marawi pa rin ang teroristang lider.

” Isa yan sa mga pakay at misyon natin kaya kung hindi natin siya makukuha, hindi natin ganap na masasabi na nawakasan na natin ang problemang ito dahil habang andyan siya, magpapatuloy pa rin ang kaguluhan”.

Samantala, kinumpirma rin ni Padilla na mayroon pa ring hawak na mga bihag ang Maute group batay na rin sa mga impormasyong kanilang natatanggap.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *