Mavs gumawa ng 20 3-pointers sa series-tying win laban sa Suns
Nagpaulan ang Dallas Mavericks ng 20 3-pointers at muling ni-neutralize ang Phoenix point guard na si Chris Paul, para daigin ang top-seeded Suns nitong Linggo (Lunes, Manila) sa score na 111-101, at itali ang kanilang NBA playoff series sa tig-dalawang games bawat isa.
Ang star guard na si Luka Doncic ay umiskor ng 26 points na dinagdagan pa ni Dorian Finney-Smith ng 24 para sa Dallas, na nagwagi na ng dalawang games sa kanilang home base para pumantay sa best-of-seven Western Conference matchup, makaraang bumagsak sa unang dalawang games sa Phoenix.
Susubukan ng Suns, na natapos ang regular season na may pinakamagandang record sa liga, na mabawi ang bentaha kapag sila na ang nag-host sa game five ngayong Martes. Kung manalo, tiyak nang muli nilang makakaharap ang Dallas para sa Game Six sa Huwebes (Biyernes, Manila time).
Pinangunahan naman ni Devin Booker ang Suns sa kaniyang 35 points habang si Jae Crowder ay nagdagdag ng 15 at si Deandre Ayton ay nag-ambag ng 14.
Ang walong 3-pointers ng Mavs sa first quarter ay nakatulong para makakuha sila ng 37-25 lead.
Ayon kay Doncic . . . “This team was amazing. Everybody that gets to the court leaves everything out there. If we play hard and we get stops, we’re a dangerous team.”
Dagdag pa niya . . . “The Phoenix Suns, we knew they were going to make a run. We stayed together, man. They’re a hell of a team, but I think with us staying together, playing physical, it was the key to this game.”
Sinabi ni Doncic na walang dahilan para hindi manalo ang Mavericks sa isang game sa Phoenix.
Aniya . . . “I think we didn’t play hard enough in the first two games. Somebody has got to win four, and we can always believe until the end.”