Maxeon solar firm, maglalaan ng $900M investment sa Pilipinas
Nagbabalak mamuhunan ng nasa $900-milyon parasa solar energy ng Pilipinas ang Maxeon, isang global leader sa solar technology and innovation.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) plano ng kumpanya na palawakin ang operasyon nito sa Pilipinas.
Ginawa ng Maxeon officials ang anunsyo sa ginawang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa delegasyon nito sa Washington D.C.
Ang pakikipagpulong ng Pangulo ay bahagi ng serye ng mga meetings nito sa mga business leaders sa Blair House na naglalayong makahikayat ng marami pang pamumuhunan sa Pilipinas.
Sinabini Bill Mulligan, CEO ng Maxeon na ang gagawin nilang investment ay magreresulta sa karagdagang 3,000 trabaho sa susunod na mga taon.
Ipinarating ni Mulligan ang kumpiyansang kumpanya sa administrasyon ni Pangulong Marcos na pangunahing dahilan sa kanilang expansion efforts.
“The Philippine has been incredibly important… it’s actually a strategic part of our company. And I want to thank you and I want to thank all of the government agencies for all of the help and the support for the 40 plus years that we’ve been in the country,” pahayag pa ni Mulligan.
Ang Maxeon ang nag-o-operate sa Sun Power brand sa lahat ng global markets, kabilang ang Maxeon brand sa Estados Unidos, Canada at Japan.
Sisimulan ng kumpanya ang expansion ng kanilang research and developemtn (R&D) facility sa Cavite, na magkakaloob ng 2,000 trabaho sa lugar.
Taong 2003 nang simulan ng Maxeon ang operasyong pasilidad nito at nagbukas ng unang pabrikasa Laguna Techno Park sa Biñan City noong 2004.
Sila ang nag-o-operate sa Sun Power Philippines Manufacturing Ltd. at may pitong proyekto sa Biñan na kinabibilangan ng manufacturing, IT, at logistics activity.
Weng dela Fuente